Search This Blog

Thursday, July 15, 2010

Ang aking ginawang tula "GRIPO"

"GRIPO"

Sa gripong ito sabay tayo pumunta
Nauna ako pero pinauna kita
Upang mapansin ang aking nadarama
Sa aking paglilingkod nakilala kita

Sa gripong ito ang syang dahilan kaya?
Nang animo'y anino ang nakita
Lalo na kapag sa makinis mong mukha
Ako'y biglang nanahimik at tulala

Nang inabot mo ang iyong kamay sa'kin
Tila ang aking paningin ay nagdilim
Aking nararamdaman may sasabihin
Na ang kagaya mo'y mahirap mahalin

Salamat nga pala sa gripong sa amin
Ang isang kagaya mo'y mahirap tukuyin
Sana ako ay kaya mo nang mahalin
Upang ikaw sana ay maging akin.

Ang aking ginawang tula para kay ALEX :)

ALEX :)

Isang babaeng maganda at mataba
Ang kanyang magandang buhok na kay haba
Aking sinusuklay para lang gumanda
Kahit anong hitsura nya,mahal ko siya

Minsan tinotopak sya pagdating sa'kin
Kaya minsan hindi nya ko pinapansin
Kahit ganyan ang nangyayari sa amin
Wag nang lumaki,para aking ayusin

Oh Alex! Oh Alex! kita'y iniibig
Iyan lagi ang sambit ng aking bibig
Mahal pa rin kita kahit anong lamig
Laging nandirito ang aking pag-ibig

Buksan man ang puso ko, ikaw ang laman
Sapagkat mahal kita magpakailanman
Mga pangako natin na binitawan
Lahat ay gagawin maging sino ka man.




Ang aking ginawang tula para kay MR.ALADEZA

MR.ALADEZA

Isang taong makisig at maginoo
Kaya't kami sakanya ay taas noo
Pag siya ay nagtuturo sa aming klase
Parang nakita ko na si "DEREK RAMSAY"

Ang kanyang isipan ay napakalawak
Kaya't kami'y natutuwa,nagagalak
Kami ay nagpapasalamat sa kanya
Dahil marami kaming nadamang saya

Mr.Aladeza ang apelyido niya
Apelyido pa lang mabibighani na
Siya ay isang uragong bicolano
Nang sinabi niya sa amin ang totoo

Isang taong mapagkakatiwalaan
Sa lahat ng bagay siya'y maaasahan
"henyo" yan lang naman ang bansag sakanya
Kaya't lahat kami sakanya ay hanga.


Friday, July 9, 2010

"Gripu" (karugtong ng tula...)

1
Ngunit ng magtagpo aming mga mata
Pait ng nakalipas muling nadama
Sugatan kong puso'y lalo pang sumama
Naudlot naming matamis na pagsinta.
2
Isang dapit hapong palubog ang araw
Napasyahang magtagpo sa may gripuhan
Napagkasunduang kong kami'y magtanan
Bago pa mahuli't siya saaki'y maagaw.
3
Naghintay ako't siya'y aking inasahan
Ngunit laking gulat sa nabalitaan
Irog ko'y sumama na pala sa iba
Pagtingin sa sarili'y naging mababa.

~♥Anquie Chuu♥~

Ang Kasal ba ay Sakal?

Para saakin ang kasal ay isang banal at mahalagang sakramento, kaya naman nararapat nating pahalagahan, ito rin ay mahalaga saating buhay. Ang kasal ba ay sakal? Kung ako ang tatanungin depende iyon sa sitwasyon at klase ng pagsasama ng dalawang tao. Ang pag aasawa ay hindi katulad ng isang mainit na kanin na kapag ika'y napaso ay maaari mong iluwa. Bago mag pakasal ay isipin muna ng maraming beses dahil pang habang buhay na ang resulta ng gagawin mong desisyon. Kinakailangan rin na ihanda ang sarili sa napakalaking pagbabago at responsibilidad na iyong kakaharapin nararapat na maging maayos muna ang lahat ng dapat ayusin at kinakailangan rin na may tunay na pagmamahal sa bawat isa upang ang kasal ay hindi mauwi sa SAKAL!!!! ..:)))

~♥Anquie Chuu♥~

Kung ako si Dumay...

Kung ako si dumay ay gagawa ako ng paraan upang pumayag si ama bagitay na ipakasal kami ni dagwaley na walang hinihinging kapalit, hindi ako basta basta nalamang magmumukmok sa isang tabi at halos maglupasay, lalo na kung mahal talaga namin ang isa't isa ay hahanap pa rin ako ng paraan at tutulungan ko si dagwaley na mapapayag si ama bagitay dahil kaligayahan kong pang habang buhay ang nakasalalay sa piling ng taong mahal kong tunay at kung hindi naman mamarapatin ng ama na kami ni dagwalwey ang magkatuluyan ay magpapakalayo layo nalamang kami sasama ako kay dagwaley at handa akong sumugal para doon, dahil ayokong pagsisihan ang mga bagay na hindi ko naranasan, mabigo man ako sa gagawin kong desisyon ay maluwag ko itong tatanggapin dahil kahit papaano ay natutunan ko ang aking leksyon yun lang naman ay kung ako si dumay....

~♥anquie chuu♥~