Search This Blog

Thursday, September 30, 2010

Recollection 09-07-10

"RECOLLECTION DAY" Ano nga ba ito? Para saan ba ito? Bakit nga ba mayroong ganito? Ang recollection day ay ang araw kung saan dito ibinabalik ninyo ang mga alaala simula ng magkakilala kayo ng inyong mga kaibigan o mga kaklase. Ipinapahayag ng pari ang mga kinakailangan mong gawin at ilahad mo at humingi ng kapatawaran sa diyos at mga taong nasaktan mo noon . Kaya may recollection ay para makapag handa ka sa mga bagong pagsubok mo bilang isang estudyante. Ayon sa aming recollection noong ika pito ng setyembre ay pinangkat pangkat kami ng aming guro upang maglabas kami ng aming nararamdaman at upang magbigay ng payo sa isa't isa. Sunod na ginawa namin ay may dumating na pri at kami ay nag meeting at pinangaralan ng mga salita ng diyos. Matapos kaming pangaralan ay nag misa ang pari at sa loob ng misa na iyon ay binigyan kami ng pari ng mga mensahe na nakakapag pabagbag ng damdamin, kami ay sobrang na touch, kaya karamihan saamin ay umiyak. Pagkatapos ay binigyan kami ng mga liham mula sa aming mga magulang at pinabasa ito sa amin pagkatapos ay tinapos na ng pari ang misa at bilang pagtatapos ay nagsipagkantahan kaming mga fourth year...

No comments:

Post a Comment