Search This Blog

Monday, September 27, 2010

Cariño Brutal


"Lourdes! Lourdes" Dali daling tumayo si lourdes sa kanyang kinauupuang bangkito. Habang siya ay nag lalaba ay humahangos naman na dumating si Aling Becky ang kanilang kapit bahay na tila animo'y namumutla ito.
"Ano ho ang problema aling becky?" kinakabahan niyang naisatinig sabay punas ng kanyang mga basa at sugat sugat ng mga kamay sa kanyang maluwang at kupas pang damit.
"Si Nene inaapoy ng lagnat kinukumbulsyon na yata!" Wala ng sabi sabi pa'y humahangos ng tumakbo ang nag aalalang si lourdes. Sapagkat hindi niya maaaring hayaan ang kanyang kaisa isang anak na si nene dahil ito'y sakitin at musmos pa lamang kung hindi lang sana ipinangbisyo ipinang babae at ipinang sugal at inom ng kanyang asawang si Gerry ang perang pambayad sana nila sa kuryente sana'y hindi na umabot pa sa ganito ang kalagayan ni nene. Nang makarating siya sa kanilang munting barong barong ay naabutan niyang tagaktak na ang pawis ng kanyang anak dahil walang sariwang hangin ang pumapasok sa loob ng kanilang munting tahanan idagdag pa ang kawalan nila ng kuryente.
"Ne! ne! Gumising ka... Dadalhin kita sa albularyo."
"Inay ko! Sa wakas naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama" Halos madurog ang puso ni lourdes sa sinabi ng kanayang nag dedeliryong anak.
"Ne' wala rito ang itay mo."
"Inay napanaginipan ko ang isang lalaki tinatawag niya ako lumapit ako sakanya at ako'y kanyang niyakap ng mahigpit na mahigpit ramdam ko ang kalinga ng isang ama, ngunit agad rin siyang naglaho nilamon siyang bigla ng ulap."
"Lourdes ang mabuti pa'y sa ospital nalamang natin dalhin si nene."singit naman ni aling becky na hindi niya namalayang sumunod na rin pala sa kanya.
"Ngunit wala po kaming sapat na pera para diyan alam mo namang tanging pag lalabada ko lamang ang ikinabubuhay nmn ngayon." aniya.
"Hamo't pahihiramin muna kita, may kaunting pera akong naitabi ipapahira-"
"Walang aalish" Nagulat ang lahat sa dumating.
"Gerry! Utang na loob inaapoy na ng lagnat si nene at ikaw lasing ka na naman." ang naisatinig ni lourdes.
"Shinushuway mo na ako ngayon ha! lourdesh" Nilapitan nito ang asawa at sinampiga ito, napakapit nalamang si lourdes sa isang kahoy na nakausli sa kanilang barung-barong.
"Ah' eh... Lourdes mas makabubuting umalis muna ako ah'" ani aling becky na mababanaag mo ang takot sa mga mata nito.
"Wala akong pakialam sa anak mo! Kahit na mamatay pa iyan sa harapan ko."
"Gerry naririnig ka ng bata!" tumayo so lourdes at dali daling dinaluhan ang kanyang anak tinkpan din niya ang tainga nito.
"Mahal na mahal kita lourdes... P-pero... Anong ginawa mo ha?" Sabay tadyak nito sa mag ina.
"Ita'y masakit po!" Naisigaw ng nag dedeliryong si nene sa abot ng kanyang makakaya.
"Gerry nasasaktan ang bata! Akala ko ba'y tanggap mo na si nene?" aniya.
"Wala akong pakialam sa inyog mag ina!" Akmang kukuhang muli ng pamalo si gerry agad namang napatayo si lourdes upang pigilan ito ngunit sinapak naman siya nito sa muka na naging hudyat ng pag dilim ng kanyang paningin, tanging ang sigaw nalamang ng kanyang anak ang kanyang naulinigan.
"Lourdes! Lourdes! humahangos na dumating ang kanyang manager na si Mamu Ferding.
" Bakit mamu?" Nagtatakang naiusal ni lourdes. Abala na sana siya sa kanyang pag uwi sa inuupahan niyang apartment sa japan, nag tratrabaho siya sa japan bilang isang entertainer sa isang club, gusto niya kasing makapag ipon para sa kasal nila ng kanyang kasintahang si gerry. Lingid sa kaalaman nito ang pag punta at trabaho niya sa japan, ang alam nito'y nasa US siya kasama ang kanyang tiyahin.
"Bruha ka! Huwag ka munang Umuwi at marami pang costumer sa labas i entertain mo sila" Payo nito sakanya. Si mamu ang tumulong sa kanyang makarating sa japan ng inalok siya nito ng trabaho ay hindi na siya nag dalawang isip na sunggaban ang inaalok nito, laking probinsya siya at elementarya lamang ang natapos kaya naman pumayag siya sa alok ni mamu, akala niya noong una ay sa isang factory siya mag tratrabaho ngunit mali pala ang kanyang inaakala, kaya't sa halip na mag mukmok ay napilitan narin niyang sumayaw sa club, natuwa naman siya kahit papaano dahil malaki laki rin ang sinasahod niya.
"Pero mamu! hindi po ako nakikipag table. Alam naman po ninyong hanggang sayaw lang po ako mamu." aniya.
"Diba gusto mong makaipon ng maraming pera para makauwi kana sa pilipinas, ito na ang pag asa mo lourdes!" Napaisip siya sa sinabi ni mamu.
"Hi Mr. Hikaru this is lourdes" pakilala ni mamu sakanya sa isang hapon na medyo may katandaan na, wala na siyang nagawa kundi ang pumayag sa alok ni mamu.
"Hi" Tipid niyang bati sa hapon.
"Oh! Byotipol Gerl sit sit ." Wala ng nagawa si lourdes kundi ang umupo tabi nito.
"Enjoy!" ani mamu ferding sabay kindat sakanya at tuluyan ng umalis ito.
"Lourdes, Byotipol Gerl" anito at tila may inilagay ng kung ano sakanyang inumin at inalok ito iyon sa kanya tinanggap niya naman iyon, maya maya pa'y unti unti ng dumidilim ang kanyang paligid at tuluyan na siyang nakatulog. Pga gising ni lourdes ay ang apat na sulok ng hindi pamilyar na kwarto ang kanyang nakita, nasaan siya? ano ang nangyari kagabi matapos siyang antukin dahil sa ipinainom sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng ginaw at napag tantong tanging ang manipis na kumot lamang ang tumatakip sa kanyang katawan. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak nabasag ang kanyang pinakaiingatang puri dahil sa pagsasamantala sa kanyang kahinaan.
"Lourdes! Ano ba lumabas kana diyan sa banyo kanina kapa suka ng suka ano ba ang nakain mo?"Tanong sakanya ng katrabahong si Dolores.
"Noong isang araw pa masama ang pakiramdam ko." aniya.
"Hay naku baka naman buntis ka!"natigilan siya sa sinabi nito naalala niya ang nangyari noong nakaraang linggo, bigla niyang naisip ang kanyang kasintahan. Ano nalamang ang sasabihin niya dito? mahal na mahal pa naman niya ito. Agad siyang lumabas sa banyo at kinatok ang opisina ni mamu ferding upang itanong ang address ng matandang hapon ngunit siya ay bigo kaya't matamlay siyang sumayaw sa entablado, ngunit ng mapukaw ng kanyang pansin ang isang pamilyar na matanda ay dali dali siyang bumaba at lumapit dito pagkataposng kanyang sayaw.
"Oh! Lourdes!" Bati nito sakanya.
"Mr. Hikaru we need to talk."
"Sit, sit..." umupo siya sa tabi nito at hindi na nag patumpik tumpik pa.
"I am pregnant" deklara niya dito, tila ba nagulat ito sa kanyang sinabi.
"What? You want money? I'll give you money."anito.
"No i am pregnant!" Tila ba tinapakan ang kanyang pagkatao sa inasal nito dahil dinukot nito ang sarili nitong pitaka at ihinampas sa kanya ang lahat ng perang laman niyon, nagtinginan ang maraming tao sa eksenang ginawa nila at tuluyan na siyang iniwan ng hapon, tulala pa rin siya sa mga pangyayari.
" Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay!" Pagka uwi nya sa pilipinas ay nagpasya siyang magpakasal kaagad kay gerry, lingid sa kaalaman nito na siya'y nag dadalang tao kaya't ng ipagtapat niya dito na siya ay buntis ay natuwa ito mas pinag igihan nito ang pag tratrabaho at pag aasikaso sa kanya kaya hndi niya kaagad naipag tapat dito na hindi ito ang ama ng dinadala niya. Nang manganak siya ay tska palamang nalaman nito ang katotohanan, nag simula na itong magloko sa pag tratrabaho, magbisyo at ang masaklap pa'y sinasaktan rin silang mag ina, kaya't siya na lamang ang bumubuhay sa anak niyang si nene, nag pasya siyang tumanggap ng mga labada.
"Itay Huwag po!" Si gaw ni nene na nag panumbalik kay lourdes sa kanyang kamalayan, nkita niyang ginagapos na ito ni gerry kaya't agad siyang tumayo upang pigilan ang kanyang asawa.
"Gerry! Huwag! maawa ka sa bata." Nag huhumiyaw na sigaw ni lourdes at patuloy pa rin ang pag iyak ng pawisan ng si nene.
"Huwag kang makialam lourdes! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito kung bakit nasira ang buhay natin!" Akmang ibibitin na nito ng patiwarik ang kalunoslunos na bata ay agad niyang kinuha ang kutsilyo at akmang lalapit na sa aswang patuloy pa rin ang ginagawa.
"Ganito ako magmahal lourdes masakit!" anito.
"Ita'y tama na po!"Pag kasigaw ni nene ay agad niyang itinarak sa asawa ang kutsilyong hawak at tuluyan na itong bumulagta, kinalagan niya si nene at tumakbo sila palabas sa kanilang barung-barong sa wakas ay malaya na sila sa kaniyang mapang aping asawa...
*END*


No comments:

Post a Comment