Search This Blog

Thursday, September 30, 2010

Recollection 09-07-10

"RECOLLECTION DAY" Ano nga ba ito? Para saan ba ito? Bakit nga ba mayroong ganito? Ang recollection day ay ang araw kung saan dito ibinabalik ninyo ang mga alaala simula ng magkakilala kayo ng inyong mga kaibigan o mga kaklase. Ipinapahayag ng pari ang mga kinakailangan mong gawin at ilahad mo at humingi ng kapatawaran sa diyos at mga taong nasaktan mo noon . Kaya may recollection ay para makapag handa ka sa mga bagong pagsubok mo bilang isang estudyante. Ayon sa aming recollection noong ika pito ng setyembre ay pinangkat pangkat kami ng aming guro upang maglabas kami ng aming nararamdaman at upang magbigay ng payo sa isa't isa. Sunod na ginawa namin ay may dumating na pri at kami ay nag meeting at pinangaralan ng mga salita ng diyos. Matapos kaming pangaralan ay nag misa ang pari at sa loob ng misa na iyon ay binigyan kami ng pari ng mga mensahe na nakakapag pabagbag ng damdamin, kami ay sobrang na touch, kaya karamihan saamin ay umiyak. Pagkatapos ay binigyan kami ng mga liham mula sa aming mga magulang at pinabasa ito sa amin pagkatapos ay tinapos na ng pari ang misa at bilang pagtatapos ay nagsipagkantahan kaming mga fourth year...

"Turnilyo" hango sa aking diary...(True Story)

July. 02, 10
PHYSICS TIME

O' Turnilyo bakit ka nagpaakit sa akin? bakit? Dahil sayo ako tulo'y napasama.
Nakaupo ako sa aking silya habang nagtuturo ang aming guro sa physics na si Mr. Vinluan, nang may bumato saakin ng mapansin ay isang kapiranggot na clay pala ang ibinato saakin nayamot ako dahil ito'y dumikit sa buhok ko ngunit hindi ko na inalintana pa iyon. Lumipas ang ilang oras ay may bumato na naman, doon ko namataan si Arvin , Si arvin pala ang bumabato saakin, kaya lumipat nalamang ako ng upuan at pumunta ako sa may likuran at mayroon akong napulot na "TURNILYO" at ibinato ko iyon kay arvin, ngunit ang natamaan naman ay si kmher , kung kaya't napatago na lamang ako, habang hinahanap naman ni kmher kung sino ang nambato sa kanya nakita niya akong nakatago kung kaya't bigla siyang nagsumbong sa aming guro na may nang bato raw sa may bandang likod at sinabi niya ang pangalan. Doon! Doon nagsimulang magalit si Mr. Vinluan nasermunan na naman kami kay sir dahil lang sa isang "TURNILYO" idagdag pa ang ingay namin at palipat lipat ng upuan kaya't lalong uminit at napuno na si Mr. Vinluan kaya't nanahimik na kaming lahat at dahil sa galit ni sir ay zero tuloy kami sa Quiz 2&3at pati na rin sa Unit test namin pati na rin ang grade naming lahat ay nadamay lahat daw ay hindi makakatikim ng grado na tataas pa sa 84% kaya huwag na raw kaming mag expect ng honor. Naiyak naman si monica sa sinabi ni sir vinluan... At doon umalis na si sir nag sorry naman ako sakanya noong uwian na ngunit hindi niya ako pinapansin...
Hay naku! pahamak na TURNILYO....

Bakit may ipis?


Bakit nga ba may ipis? Bakit ba siya binuo ng diyos sa ating mundo? Ano namang misyon niya sa ating mundo? Marahil ay namuo ang mga ito sa mga maruruming lugar. "IPIS", isang maliit na insekto maraming tao ang lumalayo dito. "IPIS" Ito rin ay isa sa mga pinakamaruming insketo sa ating mundo na kinadidirihan ng mga tao... "IPIS" ilang ulit mang itong puksain ay hindi pa rin ito mawawala, Sa bahay nalang, kahit pa ilang beses mong linisan ang bahay mo ay nandiyan at nandiyan pa rin sila at hindi nawawala.
Kaya't kahit saan ka man magpunta ay nandiyan lang ang mga ipis, kahit sa mall, simbahan, kahit pati na rin sa inyong mga sasakyan ay meron ring mga ipis.. Ngunit kung magiging malinis ka sa lahat ng bagay tiyak na ipis ay mawawala... Bakit kaya di ka mapuksa? Anong sikreto mo? IPIS-IPIS, paano ka ginawa?

"Gripu" ni anjelo perez

Ayoko na sanang umalis pa dito.
Kung ang lata'y di pa siguro napuno.
Kinausap ko na siya't ako'y umupo.
Pag ibig na sana ang aking matamo.

Sa bawat titig mong nakabibighani.
Ako naman ay iyong napapangiti.
Bumalik na ako sa aking sarili.
Siya pala ay wala na sa aking tabi.

Kaya't binuhat ko ang dala kong lata.
Habang naglalakad na akong pauwi.
Siya'y namataan kong may dalang bata.
Siya pala ay isang ganap ng ina...

Tuesday, September 28, 2010

Pusong Tulala

"PUSONG TULALA"

Isang araw nang ako'y naglalakad, ako'y may nakitang isang babae, nahulog agad ang aking loob sakanya. Siya ay isang babaeng napakaganda ang puso ko'y natulala sa kanyang kagandahan ang sabi ko ay "M-miss.. pwedeng makipag kilala? at siya'y nabigla sa aking kagustuhan, mabait siya ng kami'y nag kausap. Makalipas ang ilang mga nagdaang mga araw ay kami'y muling nagkatagpo sa isang lugar kung saan kami'y nag usap ng masinsinan at muli ang puso ko'y natulala na naman sa kanya dahil sa hindi maitagong nararamdaman. Ang pusong tulala, ako'y nabighani sa kanyang angking kagandahan at mabait na ugali. Ito ang pusong tulala... Sa tuwing ika'y nakikita mundo ko'y nag iiba . Subalit habang tumatagal ika'y unti unting nagbabago at tila nawawala na ang iyong bait sabi mo pa'y "Umalis ka dito!" at ng dumating ang araw na tayo'y magkalayo ako'y nababalisa, sapagkat noo'y palagi tayong magkasama araw man o gabi ngayo'y napaltan na ng pighati ako'y nababahala sa mga araw na nagdaraan sapagkat ika'y wala sa aking piling.
Nang tumuntong ako sa kolehiyo tayo'y muling nagkita, hindi ko alam ang aking gagawin ngunit ang sabi mo saaki'y...
"Siguro nga ay mas may panget pa sayo pero hindi sila nagpapa cute katulad mo nakaka bad trip ka tuwing ika'y makikita, hindi ko alam kung bakit malaki ang ulo mo ikaskas mo nalamang ang muka mo sa simento. At lalong hindi ako na tu-turn on sa kutis mong kulay kamote.. Che!" Ako pa nama'y sabik na muli kang makita ngunit ang aking pagkasbik ay napalitan na ng inis, dahil sa panget mong pag uugali, hindi kana nakakatuwa tuwing kita'y nakikita...

*Wakas*
"Gripu"
ni Kurt Luciano
Natapos na ang lahat, ika'y dumating.
Sa pag agos ng buhay, di mo pa rin pansin.
Sa panahon na dumaan, ika'y akin parin.

Nang ako'y mapatingin siya pala si Rubi.
Sa araw na iyon para siyang bote.
Isang bote na parang napakaganda.
Nang siya'y kuminang dahil sa kagandahan.

Ako'y nasilaw sa kanyang kagandahan.
Ako'y napaibig sa kanyang kakirangan.
Sa sobrang kasilawan siya'y nabighani.
Ako pala'y tila isa niyang bayani.

Nang nagkatinginan, siya'y namutla.
Ako'y nabigla mata niyang kakaiba.
Siya'y nagulat sa aking pagkabigla.
Dahil sa kanyang duling na mga mata.

Monday, September 27, 2010

Cariño Brutal


"Lourdes! Lourdes" Dali daling tumayo si lourdes sa kanyang kinauupuang bangkito. Habang siya ay nag lalaba ay humahangos naman na dumating si Aling Becky ang kanilang kapit bahay na tila animo'y namumutla ito.
"Ano ho ang problema aling becky?" kinakabahan niyang naisatinig sabay punas ng kanyang mga basa at sugat sugat ng mga kamay sa kanyang maluwang at kupas pang damit.
"Si Nene inaapoy ng lagnat kinukumbulsyon na yata!" Wala ng sabi sabi pa'y humahangos ng tumakbo ang nag aalalang si lourdes. Sapagkat hindi niya maaaring hayaan ang kanyang kaisa isang anak na si nene dahil ito'y sakitin at musmos pa lamang kung hindi lang sana ipinangbisyo ipinang babae at ipinang sugal at inom ng kanyang asawang si Gerry ang perang pambayad sana nila sa kuryente sana'y hindi na umabot pa sa ganito ang kalagayan ni nene. Nang makarating siya sa kanilang munting barong barong ay naabutan niyang tagaktak na ang pawis ng kanyang anak dahil walang sariwang hangin ang pumapasok sa loob ng kanilang munting tahanan idagdag pa ang kawalan nila ng kuryente.
"Ne! ne! Gumising ka... Dadalhin kita sa albularyo."
"Inay ko! Sa wakas naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama" Halos madurog ang puso ni lourdes sa sinabi ng kanayang nag dedeliryong anak.
"Ne' wala rito ang itay mo."
"Inay napanaginipan ko ang isang lalaki tinatawag niya ako lumapit ako sakanya at ako'y kanyang niyakap ng mahigpit na mahigpit ramdam ko ang kalinga ng isang ama, ngunit agad rin siyang naglaho nilamon siyang bigla ng ulap."
"Lourdes ang mabuti pa'y sa ospital nalamang natin dalhin si nene."singit naman ni aling becky na hindi niya namalayang sumunod na rin pala sa kanya.
"Ngunit wala po kaming sapat na pera para diyan alam mo namang tanging pag lalabada ko lamang ang ikinabubuhay nmn ngayon." aniya.
"Hamo't pahihiramin muna kita, may kaunting pera akong naitabi ipapahira-"
"Walang aalish" Nagulat ang lahat sa dumating.
"Gerry! Utang na loob inaapoy na ng lagnat si nene at ikaw lasing ka na naman." ang naisatinig ni lourdes.
"Shinushuway mo na ako ngayon ha! lourdesh" Nilapitan nito ang asawa at sinampiga ito, napakapit nalamang si lourdes sa isang kahoy na nakausli sa kanilang barung-barong.
"Ah' eh... Lourdes mas makabubuting umalis muna ako ah'" ani aling becky na mababanaag mo ang takot sa mga mata nito.
"Wala akong pakialam sa anak mo! Kahit na mamatay pa iyan sa harapan ko."
"Gerry naririnig ka ng bata!" tumayo so lourdes at dali daling dinaluhan ang kanyang anak tinkpan din niya ang tainga nito.
"Mahal na mahal kita lourdes... P-pero... Anong ginawa mo ha?" Sabay tadyak nito sa mag ina.
"Ita'y masakit po!" Naisigaw ng nag dedeliryong si nene sa abot ng kanyang makakaya.
"Gerry nasasaktan ang bata! Akala ko ba'y tanggap mo na si nene?" aniya.
"Wala akong pakialam sa inyog mag ina!" Akmang kukuhang muli ng pamalo si gerry agad namang napatayo si lourdes upang pigilan ito ngunit sinapak naman siya nito sa muka na naging hudyat ng pag dilim ng kanyang paningin, tanging ang sigaw nalamang ng kanyang anak ang kanyang naulinigan.
"Lourdes! Lourdes! humahangos na dumating ang kanyang manager na si Mamu Ferding.
" Bakit mamu?" Nagtatakang naiusal ni lourdes. Abala na sana siya sa kanyang pag uwi sa inuupahan niyang apartment sa japan, nag tratrabaho siya sa japan bilang isang entertainer sa isang club, gusto niya kasing makapag ipon para sa kasal nila ng kanyang kasintahang si gerry. Lingid sa kaalaman nito ang pag punta at trabaho niya sa japan, ang alam nito'y nasa US siya kasama ang kanyang tiyahin.
"Bruha ka! Huwag ka munang Umuwi at marami pang costumer sa labas i entertain mo sila" Payo nito sakanya. Si mamu ang tumulong sa kanyang makarating sa japan ng inalok siya nito ng trabaho ay hindi na siya nag dalawang isip na sunggaban ang inaalok nito, laking probinsya siya at elementarya lamang ang natapos kaya naman pumayag siya sa alok ni mamu, akala niya noong una ay sa isang factory siya mag tratrabaho ngunit mali pala ang kanyang inaakala, kaya't sa halip na mag mukmok ay napilitan narin niyang sumayaw sa club, natuwa naman siya kahit papaano dahil malaki laki rin ang sinasahod niya.
"Pero mamu! hindi po ako nakikipag table. Alam naman po ninyong hanggang sayaw lang po ako mamu." aniya.
"Diba gusto mong makaipon ng maraming pera para makauwi kana sa pilipinas, ito na ang pag asa mo lourdes!" Napaisip siya sa sinabi ni mamu.
"Hi Mr. Hikaru this is lourdes" pakilala ni mamu sakanya sa isang hapon na medyo may katandaan na, wala na siyang nagawa kundi ang pumayag sa alok ni mamu.
"Hi" Tipid niyang bati sa hapon.
"Oh! Byotipol Gerl sit sit ." Wala ng nagawa si lourdes kundi ang umupo tabi nito.
"Enjoy!" ani mamu ferding sabay kindat sakanya at tuluyan ng umalis ito.
"Lourdes, Byotipol Gerl" anito at tila may inilagay ng kung ano sakanyang inumin at inalok ito iyon sa kanya tinanggap niya naman iyon, maya maya pa'y unti unti ng dumidilim ang kanyang paligid at tuluyan na siyang nakatulog. Pga gising ni lourdes ay ang apat na sulok ng hindi pamilyar na kwarto ang kanyang nakita, nasaan siya? ano ang nangyari kagabi matapos siyang antukin dahil sa ipinainom sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng ginaw at napag tantong tanging ang manipis na kumot lamang ang tumatakip sa kanyang katawan. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak nabasag ang kanyang pinakaiingatang puri dahil sa pagsasamantala sa kanyang kahinaan.
"Lourdes! Ano ba lumabas kana diyan sa banyo kanina kapa suka ng suka ano ba ang nakain mo?"Tanong sakanya ng katrabahong si Dolores.
"Noong isang araw pa masama ang pakiramdam ko." aniya.
"Hay naku baka naman buntis ka!"natigilan siya sa sinabi nito naalala niya ang nangyari noong nakaraang linggo, bigla niyang naisip ang kanyang kasintahan. Ano nalamang ang sasabihin niya dito? mahal na mahal pa naman niya ito. Agad siyang lumabas sa banyo at kinatok ang opisina ni mamu ferding upang itanong ang address ng matandang hapon ngunit siya ay bigo kaya't matamlay siyang sumayaw sa entablado, ngunit ng mapukaw ng kanyang pansin ang isang pamilyar na matanda ay dali dali siyang bumaba at lumapit dito pagkataposng kanyang sayaw.
"Oh! Lourdes!" Bati nito sakanya.
"Mr. Hikaru we need to talk."
"Sit, sit..." umupo siya sa tabi nito at hindi na nag patumpik tumpik pa.
"I am pregnant" deklara niya dito, tila ba nagulat ito sa kanyang sinabi.
"What? You want money? I'll give you money."anito.
"No i am pregnant!" Tila ba tinapakan ang kanyang pagkatao sa inasal nito dahil dinukot nito ang sarili nitong pitaka at ihinampas sa kanya ang lahat ng perang laman niyon, nagtinginan ang maraming tao sa eksenang ginawa nila at tuluyan na siyang iniwan ng hapon, tulala pa rin siya sa mga pangyayari.
" Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay!" Pagka uwi nya sa pilipinas ay nagpasya siyang magpakasal kaagad kay gerry, lingid sa kaalaman nito na siya'y nag dadalang tao kaya't ng ipagtapat niya dito na siya ay buntis ay natuwa ito mas pinag igihan nito ang pag tratrabaho at pag aasikaso sa kanya kaya hndi niya kaagad naipag tapat dito na hindi ito ang ama ng dinadala niya. Nang manganak siya ay tska palamang nalaman nito ang katotohanan, nag simula na itong magloko sa pag tratrabaho, magbisyo at ang masaklap pa'y sinasaktan rin silang mag ina, kaya't siya na lamang ang bumubuhay sa anak niyang si nene, nag pasya siyang tumanggap ng mga labada.
"Itay Huwag po!" Si gaw ni nene na nag panumbalik kay lourdes sa kanyang kamalayan, nkita niyang ginagapos na ito ni gerry kaya't agad siyang tumayo upang pigilan ang kanyang asawa.
"Gerry! Huwag! maawa ka sa bata." Nag huhumiyaw na sigaw ni lourdes at patuloy pa rin ang pag iyak ng pawisan ng si nene.
"Huwag kang makialam lourdes! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito kung bakit nasira ang buhay natin!" Akmang ibibitin na nito ng patiwarik ang kalunoslunos na bata ay agad niyang kinuha ang kutsilyo at akmang lalapit na sa aswang patuloy pa rin ang ginagawa.
"Ganito ako magmahal lourdes masakit!" anito.
"Ita'y tama na po!"Pag kasigaw ni nene ay agad niyang itinarak sa asawa ang kutsilyong hawak at tuluyan na itong bumulagta, kinalagan niya si nene at tumakbo sila palabas sa kanilang barung-barong sa wakas ay malaya na sila sa kaniyang mapang aping asawa...
*END*


Thursday, July 15, 2010

Ang aking ginawang tula "GRIPO"

"GRIPO"

Sa gripong ito sabay tayo pumunta
Nauna ako pero pinauna kita
Upang mapansin ang aking nadarama
Sa aking paglilingkod nakilala kita

Sa gripong ito ang syang dahilan kaya?
Nang animo'y anino ang nakita
Lalo na kapag sa makinis mong mukha
Ako'y biglang nanahimik at tulala

Nang inabot mo ang iyong kamay sa'kin
Tila ang aking paningin ay nagdilim
Aking nararamdaman may sasabihin
Na ang kagaya mo'y mahirap mahalin

Salamat nga pala sa gripong sa amin
Ang isang kagaya mo'y mahirap tukuyin
Sana ako ay kaya mo nang mahalin
Upang ikaw sana ay maging akin.

Ang aking ginawang tula para kay ALEX :)

ALEX :)

Isang babaeng maganda at mataba
Ang kanyang magandang buhok na kay haba
Aking sinusuklay para lang gumanda
Kahit anong hitsura nya,mahal ko siya

Minsan tinotopak sya pagdating sa'kin
Kaya minsan hindi nya ko pinapansin
Kahit ganyan ang nangyayari sa amin
Wag nang lumaki,para aking ayusin

Oh Alex! Oh Alex! kita'y iniibig
Iyan lagi ang sambit ng aking bibig
Mahal pa rin kita kahit anong lamig
Laging nandirito ang aking pag-ibig

Buksan man ang puso ko, ikaw ang laman
Sapagkat mahal kita magpakailanman
Mga pangako natin na binitawan
Lahat ay gagawin maging sino ka man.




Ang aking ginawang tula para kay MR.ALADEZA

MR.ALADEZA

Isang taong makisig at maginoo
Kaya't kami sakanya ay taas noo
Pag siya ay nagtuturo sa aming klase
Parang nakita ko na si "DEREK RAMSAY"

Ang kanyang isipan ay napakalawak
Kaya't kami'y natutuwa,nagagalak
Kami ay nagpapasalamat sa kanya
Dahil marami kaming nadamang saya

Mr.Aladeza ang apelyido niya
Apelyido pa lang mabibighani na
Siya ay isang uragong bicolano
Nang sinabi niya sa amin ang totoo

Isang taong mapagkakatiwalaan
Sa lahat ng bagay siya'y maaasahan
"henyo" yan lang naman ang bansag sakanya
Kaya't lahat kami sakanya ay hanga.


Friday, July 9, 2010

"Gripu" (karugtong ng tula...)

1
Ngunit ng magtagpo aming mga mata
Pait ng nakalipas muling nadama
Sugatan kong puso'y lalo pang sumama
Naudlot naming matamis na pagsinta.
2
Isang dapit hapong palubog ang araw
Napasyahang magtagpo sa may gripuhan
Napagkasunduang kong kami'y magtanan
Bago pa mahuli't siya saaki'y maagaw.
3
Naghintay ako't siya'y aking inasahan
Ngunit laking gulat sa nabalitaan
Irog ko'y sumama na pala sa iba
Pagtingin sa sarili'y naging mababa.

~♥Anquie Chuu♥~

Ang Kasal ba ay Sakal?

Para saakin ang kasal ay isang banal at mahalagang sakramento, kaya naman nararapat nating pahalagahan, ito rin ay mahalaga saating buhay. Ang kasal ba ay sakal? Kung ako ang tatanungin depende iyon sa sitwasyon at klase ng pagsasama ng dalawang tao. Ang pag aasawa ay hindi katulad ng isang mainit na kanin na kapag ika'y napaso ay maaari mong iluwa. Bago mag pakasal ay isipin muna ng maraming beses dahil pang habang buhay na ang resulta ng gagawin mong desisyon. Kinakailangan rin na ihanda ang sarili sa napakalaking pagbabago at responsibilidad na iyong kakaharapin nararapat na maging maayos muna ang lahat ng dapat ayusin at kinakailangan rin na may tunay na pagmamahal sa bawat isa upang ang kasal ay hindi mauwi sa SAKAL!!!! ..:)))

~♥Anquie Chuu♥~

Kung ako si Dumay...

Kung ako si dumay ay gagawa ako ng paraan upang pumayag si ama bagitay na ipakasal kami ni dagwaley na walang hinihinging kapalit, hindi ako basta basta nalamang magmumukmok sa isang tabi at halos maglupasay, lalo na kung mahal talaga namin ang isa't isa ay hahanap pa rin ako ng paraan at tutulungan ko si dagwaley na mapapayag si ama bagitay dahil kaligayahan kong pang habang buhay ang nakasalalay sa piling ng taong mahal kong tunay at kung hindi naman mamarapatin ng ama na kami ni dagwalwey ang magkatuluyan ay magpapakalayo layo nalamang kami sasama ako kay dagwaley at handa akong sumugal para doon, dahil ayokong pagsisihan ang mga bagay na hindi ko naranasan, mabigo man ako sa gagawin kong desisyon ay maluwag ko itong tatanggapin dahil kahit papaano ay natutunan ko ang aking leksyon yun lang naman ay kung ako si dumay....

~♥anquie chuu♥~

Tuesday, June 22, 2010

▬ ▬ ▬ ▬ ► kMher ◄ ▬ ▬ ▬ ▬

GOOOOOOOOOOOOOOOODEEEEEEEEEVEEEEEEEENIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!
nakagawa na kmi ng aming blogspot yiiiiaaaaahhh!!!!!!

Friday, June 18, 2010

j3j3r34d3rzzz...

Welcome!!!
Actually first time kong gumawa ng blog! nkakatuwa pla!!! J3J3J3J3J3!!! kami ang group 1 st. stephen na binubuo ni kmher aranda, jeremy enriquez, anjelo perez, carl paolo balesteros, kurt luciano, at ang inyong lingkod anna quasay.Sya nga pla! about the title of our blog! j3j3r4yt3rzzz!!! liliwanagin ko lang po sa inyo na hindi po kmi kasapi sa in na sikat na grupong j3j3mons ngayong kapanahunan natin.... gan2 ksi un! ang blog na ito ay isa sa mga requirements namin sa subject nmin FILIPINO IV pinag isip ksi kmi ng unique name na pwedeng ipangalan sa blog na gagawin nmn, biglang pumasok sa isip namin ang mga jejemons!!! kaya un! to make the story short!! un na nga! j3j3r4yt3rzz ang naisip nmn ipangalan sa aming blog na paglalagyan ng mga tula, maikling kwento at mga essay sa filipino... open po i2 sa lahat!!! thanks sa pag view!!!

~♥anquie♥~